Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko at mga deboto ng senyor sto. Niño na pakinggan ang mga tagubilin ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito’y dahil sa pinangangambahang tumaas pang lalo ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga sunud-sunod na pista na ipinagdiriwang sa bansa.
Umaasa si Vergeire na hindi na mauulit ang makapal na kumpulan ng mga tao na nangyari nitong nakalipas na Traslacion ng poong itim na nazareno gayundin nitong panahon ng kapaskuhan.
Kasunod nito, hinimok ni Vergeire ang mga deboto na hangga’t maaari ay sa bahay na lamang ipagdiwang ang pista ng Sto. Niño kalakip ang taimtim at tahimik na pananalangin.