Nagbabala ang Department of Health o DOH sa inaasahang pagtaas ng mga nagkaka-trangkaso ngayong Enero lalo’t flu season bunsod ng malamig na panahon.
Sa datos ng DOH, simula noong Disyembre 2-8, 2018 ay umabot na sa halos 250 ang tinamaan ng flu at flu-like illness at tumataas pa tuwing Enero hanggang marso.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, taun-taon ay magkaka-ibang strain ng flu virus ang dumadapo sa mga pasyente.
Kabilang aniya sa sintomas ay lagnat, minsan walang lagnat, karaniwang may sipon, ubo, pananakit ng lalamunan, nilalamig at tila walang gana sa pagkain.
Kadalasang mas matagal din ang trangkaso na maaaring umabot nang hanggang isang linggo.
Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na magpahinga at uminom ng maraming tubig kapag may trangkaso.