Nagbabala ang Department of Health sa publiko laban sa paggamit ng mga improvised na paputok partikular na ang boga.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee suy, kabilang ang boga sa madalas maging sanhi ng aksidente tuwing bagong taon.
Kadalasang gawa ang boga mula sa PVC Pipes, pinagdugtong-dugtong na lata o di kaya’y yari sa kawayan na kilala noon sa tawag na kanyon.
Sinisindihan ito sa gamit ang denatured alcohol na lumilikha ng malakas na tunog na animo’y pagsabog
Mabilan sa boga, pinaalalahanan din ni Dr. Lee Suy ang panganib na maaaring idulot ng iba pang mga improvised na paputok.
By: Jaymark Dagala