Binalaan ni Health Secretary Francisco Duque ang publiko laban sa mga alternatibong paraan ng pagtanggal umano ng rabies sa katawan.
Ayon kay Duque, dapat magpatingin agad sa mga eksperto o animal bite treatment center sa halip na sa mga tinatawag na “Tawak” o “Tandok.”
Ang Tandok o Tawak ay isang tradisyunal na paraan ng paggagamot sa mga kagat ng hayop sa pamamagitan ng pagsipsip sa dugo sa paniniwalaang matatanggal nito ang rabies o kamandag.
Nilinaw naman ng kalihim na maaari namang bumili ng bakuna kontra rabies sa local suppliers pero dapat tiyaking aprubado ito ng Food and Drug Administration sa gitna ng global shortage sa naturang bakuna.
—-