Nanindigan ang Department of Health (DOH) at ilang health advocacy group na may kapangyarihan ang Metropolitan Manila Developemtn Authority (MMDA) na ipatupad ang smoking ban sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Paulyn Ubial, dineputize ng Local Government Units o LGU’s ang MMDA na ipatupad ang ban sa paninigarilyo.
Sa panig naman ni Maricar Limpin, Executive Director ng Framework Convention for Tobacco Control Alliance Philippines o FCAP, sinabi nito na kabilang ang MMDA sa mga tagapagpatupad ng batas.
Batay sa ruling ng Court of Appeals, walang kapangyarihan ang MMDA na ipatupad ang smoking ban sa mga pampublikong lugar at sa mga lansangan sa Metro Manila dahil hindi ito miyembro ng inter-agency committee-tobacco na siyang may eksklusibong kapangyarihan na magpatupad ng mga probisyong nakapaloob sa Tobacco Regulations Law.
By Meann Tanbio