May nakikitang magandang senyales ang Department of Health (DOH) matapos maglunsad ng mass testing sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, napuna nila ang pagbagal ng pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Kung dati aniya ay tatlong araw lamang ang binibilang bago magdoble ang numero, ngayon ay inaabot na ito ng limang araw.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi ito dahilan para maging kampante dahil maraming kaso sa ibang bansa na umuulit sa isang biktima ang sakit.