Nagpaalala ang Department of Health o DOH sa publiko kaugnay ng mga regalo o laruang dapat ibigay sa mga bata ngayong papalapit na ang Pasko.
Sinabi ni DOH Secretary Janette Garin na bukod sa presyo ng laruan, dapat ding ikonsidera ang kalidad nito para matiyak na ito’y ligtas para sa mga bata.
Ani Garin, ang ligtas na laruan ay dapat angkop sa physical, mental at social development ng isang bata.
Halimbawa, para sa mga newborns hanggang isang taon na bata, ipinayo ni garin ang pagbibigay ng rattles, malalaki at makukulay na bola at washable stuffed dolls.
Para sa mga toddlers at mga batang edad dalawa hanggang tatlong taong gulang, mainam na iregalo ang mga wooden animals, manika, sturdy kiddie cars at rocking horses.
By: Allan Francisco