Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magpa-booster kontra COVID-19 bago bumisita sa mga sementeryo sa undas.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, posible pa rin ang pagkalat ng virus dahil sa dami ng tao kahit sa open spaces.
Layunin ng booster na matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino.
Hanggang sa ngayon ay mababa ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster. —sa panulat ni Jenn Patrolla