Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga debotong dadalo sa pagdiriwang ng Nazarene 2023.
Sa abiso ng DOH, bago dumalo sa aktibidad, siguraduhing bakunado, nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19 at manatili na lamang sa bahay kung parte sa vulnerable population.
Dagdag pa ng DOH, dapat maging alerto at maalam sa paligid upang maiwasan ang sakit at ipagpatuloy ang pagsunod sa COVID-19 protocols.
Gayunpaman, hinikayat ng Kagawaran na dumalo na lamang sa mga localized events at Online gatherings upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla