Inalerto na ng DOH ang mga may-ari ng business establishments kapag ipinatupad na ang general community quarantine (GCQ) sa maraming lugar.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahalagang maipatupad ang health protocols sa mga empleyado ng mga establishments gayundin ng mga customers tulad nang pagsusuot ng face mask, social distancing, disinfection at cough etiquette.
Pinayuhan din ni Vergeire ang employers na panatilihing malusog ang kanilang mga empleyado at dapat maging handa sa pagbibigay ng ayuda sakaling may mga empleyadong matamaan ng COVID-19.