Laging nagpapaalala ang Department of Health o DOH laban sa Leptospirosis.
Ang sakit na ito kasi ay usong-uso ngayong tag-ulan.
Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ay karaniwang nararamdaman 4 hanggang 14 na araw matapos ma-expose sa leptospira bacteria.
Ito ang tinatawag na incubation period at sa oras na ito maaaring maramdaman ang mga sumusunod:
*lagnat
*pag-ubo
*panginginig
*sakit ng ulo
*pagkahapo
*pagkahilo at pagsusuka
*pagtatae
*pagkawala ng ganang kumain
*pamamantal ng balat
*pamumula ng mga mata
*pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod
Kaya payo ng mga eksperto, kung lulusong sa baha, may sugat man o wala, ay dapat komunsulta sa pinakamalapit na health facility lalo na kung may mga nararamdamang sintomas.