Nagpaalala ang Tobacco Control Advocates sa Department of Health kaugnay sa pagpapalit ng graphic warning sa mga pakete ng sigarilyo.
Ayon sa Southeast Asia Tobacco Control Alliance at Health Justice Philippines, ngayong araw ay dapat na palitan na ng mga kumpanya ang makikitang imahe ng mga sakit sa mga kaha ng sigarilyo.
Hinikayat ng naturang mga grupo ang DOH na imonitor ang mga kumpanya ng sigarilyo kung sumunod na sila dito habang ang BIR o Bureau of Internal Revenue naman ay maging mahigpit sa pag lalagay ng excise tax stamp sa mga nagpalit lamang ng graphic warning.
Una nang itinakda ng Republic Act 10643 o Graphic Warnings Law nagtatakda na lagyan ng imahe na nagpapakita ng mga sakit ng dulot ng sigarilyo ang mga pakete at papalitan ito kada dalawang taon upang masanay ang publiko sa kanilang nakikita.