Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na nagkaroon ng backlog kaya’t bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang tugon ni Duque sa gitna ng pangamba ng OCTA Research group sa kapansin-pansing bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa katunayan anya ay mababa ang positivity rate habang tinututukan pa rin ang Health Care Utilization Rate.
Samantala, pinawi ng kalihim ang pangambang magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa.