Nilinaw ng Department of Health na ang ipinatutupad na alert level system sa NCR ay hindi upang luwagan ang quarantine restrictions kundi ay para mas pag-tuunang pansin ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.
Ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang paglilinaw makaraang payuhan ng World Health Organization o WHO ang gobyerno na huwag muna kaagad magluwag ng quarantine restrictions.
Binigyang-diin pa ni Vergeire na pinagtutuunan ng gobyerno ang highly burdened areas.
Maliban dito, nakatuon din aniya ang bagong lockdown system sa 3C o ang closed, crowded areas at close contact upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.