Muling nagpapaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magkaroon ng kamalayan hinggil sa pag-alis ng face mask sa loob ng malls.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nagpatupad na ngayon ng boluntaryong pagsusuot ng face mask ang iba’t ibang establisyamento kaya naman nananawagan siya sa publiko na dapat mag-ingat sa posibleng panganib.
Hinikayat din ni vergeire ang mga mall operators na pangalagaan ang mga kabilang sa vulnerable sector.
Mababatid na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Executive Order no. 7 o opsyonal na pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor settings. —sa panulat ni Jenn Patrolla