Huwag nang pumasok sa trabaho at manatili na lamang sa bahay.
Ito ang payo ng Department of Health (DOH) sa lahat ng mga may sore eyes upang hindi na makahawa pa.
Ayon kay Health undersecretary Eric Domingo, uso ang sore eyes tuwing mainit ang panahon.
Kalimitan naman aniyang gumagaling ng kusa ang sore eyes sa loob ng apat (4) hanggang pitong (7) araw.
Basta po nahawak natin ‘yung mata natin, tapos ay halimbawa nakipag-kamay tayo sa ibang tao at nahawakan naman niya ang mata niya, lilipat-lipat po ito. Hindi naman siya totoo na mahahawa sa tingin lamang. So, ang kailangan lang naman po dito talaga ay frequent handwashing, maghugas lang po ng tubig atyaka sabon ng kamay lagi para lang po hindi mahawa. Tyaka ‘yung kalinisan po sa kapaligiran kasi syempre ‘yung gamit po natin, computer, ballpen, ganyan.. maaari pong d’yan mapunta rin ‘yung virus. Syempre po hindi namannatin maiiwasan dapat na hindi humahawak ng mga gamit. Dapat po siguro magpahinga na lang sa bahay kapag po may sore eyes at lumayo na muna sa ibang tao,” pahayag ni Domingo.
Ratsada Balita Interview