Nagpaalala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque, III sa mga dadalo sa inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa katapusan ng Hunyo.
Sa harap ito nang unti-unting pagtaas ng bilang nang nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.
Payo ni Duque sa publiko, magsuot ng face mask at sumunod sa minimum health protocols.
Kung pagbabasehan kasi ang mga nagdaang pagtitipon, hindi aniya ito nagdulot ng super spreader event dahil sumusunod naman ang lahat sa public health standards.
Sa huling tala ng OCTA Research Group, 14 na lugar sa Metro Manila ang nakapagtala ng pagtaas ng positivity rate at lumagpas sa itinakdang benchmark ng World Health Organization.