Hindi maiiwasan ang stress pero maaari itong labanan upang hindi ito humantong sa depresyon.
Karaniwang sintomas nito ay fatigue, panic attacks, social isolation, heartburn, hirap sa pagtulog at pagkairita.
Tandaan na hindi kailangan ng literal na gamot sa stress gaya ng mga nabibili sa mga botika dahil may mga natural na paraan upang maiwasan ito.
Ayon sa Department of Health, may 12 ‘S’ tips para labanan ang stress.
- Self-awareness o pagiging sensitibo sa iyong nararamdaman
- Scheduling o pagsasaayos ng oras
- Siesta o pagpapahinga
- Speak
- Sounds
- Sensation o pagpamasahe
- Stretching
- Socials o pakikisalamuha sa kapwa
- Smile o pag-ngiti
- Sports
- Stress debriefing
- Spirituality o pagdarasal
Ayon sa mga eksperto, natural at normal lang na ma-stress paminsan-minsan lalo pa’t nahaharap tayo sa COVID-19 pandemic. Ngunit hindi rin dapat natin hayaan ang ating sarili na malagay sa seryosong mental condition.
—sa panulat ni Hyacinth Ludivico