Binawi ng Department of Health (DOH) ang polisiya na magbibigay ng karapatan sa gobyerno na bigyan ng parental consent ang mga batang gustong magpabakuna kahit ayaw ng mga magulang.
Magugunita na sa inilabas na memorandum ng DOH noong Enero, nakasaad na kapag ayaw ng magulang na pabakunahan ang bata, pwedeng tumayo ang gobyerno na ‘parens patriae’ at bigyan ng consent ang bata na gustong magpabakuna.
Samantala, mababasa sa rebisadong memo na inilabas ng Doh nitong February 4, na ‘rescinded’ o kanselado na ang naturang patakaran sa pagbabakuna sa edad 5 hanggang 11.
Inilahad naman ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon na mahigpit na kailangan ang pagpayag ng magulang bago mabakunahan ang nasabing age group, ito ay matapos maghain ng reklamo ng dalawang magulang sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa naturang probinsyon ng DOH.—sa panulat ni Mara Valle