Hinimok ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak edad 5 hanggang 17 taong gulang sa Bakunahan Bayan.
Ayon kay DOH-MMCHD Regional Director Gloria Balboa, target na maturukan ang mga Pilipinong kulang pa sa primary series at booster shot.
Batay anya sa kautusan ng Department of Education (DEPED) na posibleng ma-excuse sa klase ang mga estudyante sa araw ng pagpapabakuna.
Samantala, aabot na sa 500,000 na mga bata edad 5 hanggang 11 ang hindi pa nakakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 sa National Capital Region (NCR). – sa panulat ni Jenn Patrolla