Itinanggi ng Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na galing sa kanila ang mga text messages kaugnay sa pagkuha ng One COVID-19 Allowance (OCA).
Ayon sa DOH MMCHD, ang pagkuha ng OCA ay direktang ipinapaalam sa mga dapat tumanggap nito gayundin ang kumpleto at maayos na dokumentong kinakailangan.
Sinabi ng MMCHD na bukas ang kanilang Public Assistance and Complaint Unit (PACU) para sa mga tanong at concerns kaugnay sa OCA at maaari ring bisitahin ang kanilang website www.,dohncro.gov.ph o magtungo sa tanggapan nila sa Mandaluyong City.
Pinayuhan ng MMCHD ang publiko na tiyaking lehitimo ang mga nakukuhang balita.