Muling binalaan ng Department of Health ang mga nagtutungo sa mga sementeryo laban sa mga posibleng masamang epekto sa kalusugan ng pagod at stress na maaaring magresulta sa high blood pressure at heart attack.
Ayon kay Health Spokesman, Dr. Lyndon Lee Suy, karaniwan ng nakararanas ng matinding pagod ang mga bumibisita sa mga sementeryo lalo ang mga Senior Citizen lalo’t kung mainit ang panahon.
Dahil dito, pinayuhan ni Suy ang publiko na magbaon ng tubig upang manatiling hydrated.
Dapat din anyang magdala ng mga payong o kaya ay maglagay ng sunscreen laban sa matinding sikat ng araw.
Samantala, naka-alerto ang lahat ng government hospital sa buong bansa para sa undas hanggang Biyernes, Nobyembre 3.