Muling ipinaalala ng Department of Health sa publiko kung sino lamang ang kwalipikadong maturukan ng ika-apat na dose ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa DOH, tanging ang mga frontline healthcare workers, senior citizens at immunocompromised adults ang kwalipikado sa ikalawang booster shot.
Nakipag-ugnayan naman ang kagawaran sa regional vaccination operation centers para sa mahigpit na pagpapatupad ng kautusan.
Sa huling datos, higit 14 na milyon pa lamang sa bansa ang nakatanggap ng booster dose, mula sa halos 70 milyong full-vaccinated individuals.