Patuloy na pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag masyadong magpagod o magbilad sa init ngayong panahon ng tag-init.
Sinabi sa DWIZ ni Health Undersecretary Eric Domingo na dapat ding manatiling hydrated sa pamamagitan ng walo hanggang sampung baso ng tubig para makaiwas sa heat stroke.
Ayon kay Domingo, kabilang sa senyales ng heat stroke ang pag-init ng katawan, namumula ang balat at nagpapawis at grabeng kondisyon nito ay pagkahilo, convulsion at nao-ospital pa.
Itinuro ni Domingo ang first aid para magamot ang isang na heat stroke.
“Kailangan palamigin ang katawan niya kung maraming damit na makapal siguro po paypayan at tanggalin ang mga makakapal na damit, punasan po ng malamig na tubig at painumin ng tubig na malamig, kapag nag-recover naman po at nagbalik ang lakas ay hindi naman po kailangan pero kung talagang nanghihina, nababalisa, nawalan ng malay ay kailangang dalhin talaga sa ospital kasi hindi na natin mapapainom ‘yun eh baka kailangan nang lagyan ng suwero.” Pahayag ni Domingo
(Ratsada Balita Interview)