Muling nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos mabatid na plano ng dalawang mambabatas na sina Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta at Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor na mamahagi ng naturang gamot sa publiko sa kabila ng kabi-kabilang babala ng mga health authorities at health organizations.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, mas makabubuti kung hihintayin muna ang mga datos o resulta ng mga isinagawang pag-aaral ukol sa nasabing gamot.
Ani Vega, walang katiyakan kung ang gamot na ito ay makapagdudulot ng maganda sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.