Muling binalaan ng Department of Health o DOH ang publiko laban sa pagkalat ng mga karaniwang sakit ngayong tag-ulan o wild diseases.
Ayon kay DOH Spokesperson at Assistant Secretary Eric Tayag, dapat maging handa upang maiwasan ang wild o waterborne, diarrhea, influenza, cough, colds, leptospirosis at dengue.
Mahalaga anyang panatilihing malinis ang iniinom na tubig upang maiwasan ang diarrhea at iba pang water borne diseases.
Nagbibigay naman anya ang mga health center ng water purification tablets ng libre upang masigurong hindi kontaminado ang tubig lalo ang mga nagmumula sa balon.
By Drew Nacino
DOH muling nagbabala vs. mga karaniwang sakit ngayong tag-ulan was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882