Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga ginagamit na face masks sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa DOH, may ilang mga face masks sa merkado ang hindi kabilang sa listahan ng ‘notified medical face masks’ ng Food and Drug Administration (FDA).
Mababatid na isa ang nauusong copper mask sa hindi kabilang sa naturang tala ng FDA.
Pero paliwanag ng DOH, kaya hindi napabilang sa tala ng FDA ang naturang mask, ay dahil hindi lamang ito medical grade, pero makatutulong din naman sa banta ng virus. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)