Muling pinaalalahanan ng DOH o Department of Health ang publiko kaugnay ng mga hakbang para maiwasang dumami pa ang breeding place ng mga lamok na pinamumulan ng Dengue virus.
Kasunod na rin ito ng pagpalo na sa mahigit 70,000 ng naitatalang kaso ng dengue ngayong taon kung saan mas mataas ito ng 60% hanggang 70% kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kanila nang inaasahang maitatala ngayong taon ang peak season ng dengue tulad noong 2013 at 2016.
Paliwanag ni Duque, karaniwang nangyayari ito kada dalawa hanggang tatlong taon at hindi lamang dahil sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Binigyang diin naman ng kalihim na kanila nang nakikita ang unti-unti nang pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-dengue nitong huling linggo ng Mayo.
“Dapat ang ating mga kababayan ay mataas sa kanilang kamalayan na ang taong ito, mataas ang bilang ng kaso kaya dapat maghanda, magsagawa ng mga paglilinis o yung pagsunod sa tinatawag natin na 4S. Ito yung search and destroy, yung lkahat ng pwedeng mapag ipunan at mapag imbakan ng tubig, dapat ay takpan o di kaya itaob ang mga lalagyan para hindi pamumugaran ng mga lamok at kiti kiti. “
(Ratsada Balita interview)