Patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura sa gitna nang panunumbalik ng polio virus.
Una nang nangamba ang mga residente ng Bulacan na ma kontamina ng polio virus ang Wacuman Sanitary Landfill dahil sa iligal na operasyon nito.
Una nang napaulat na na kontamina ng polio virus ang Davao River matapos magsagawa ng sampling at testing ang Davao City Health Office.
Ang kontaminasyon ng polio virus sa Davao River ay posibleng nagmula sa dumi ng tao at sa basura.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat ding tiyakin ng local government na may kaukulang permiso ang mga sanitary landfill sa kanilang nasasakupan at matiyak na hindi maihahalo sa mga daluyan ng tubig ang katas ng mga basura na nagmula sa sanitary landfills.
Una nang ipinanawagan ng grupong ACAPE o Alliance for Consumer and Protection of Environment sa Senado at sa Department of Environmental and Natural Resoures o DENR na imbestigahan ang operasyon ng Wacuman Sanitary Landfill sa Bulacan dahil sa pagiging banta nito sa kalusugan lalo’t nanumbalik na naman ang polio virus.