Pinaalalahanan ng DOH o Department of Health ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Sinabi sa DWIZ ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na apat na uri ng sakit ang malimit na nakukuja sa panahon ng tag-ulan at mula sa tubig baha.
Kabilang dito ang mga sakit na may acronym na “WILD” – o Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.
Mahalaga aniyang mapanatili ang kalinisan para makaiwas sa mga nabanggit na sakit dahil hindi biro ang matamaan ng sakit sa mga panahong ito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Health Asec. Eric Tayag
- Aileen Taliping