Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask para makaiwas sa banta ng COVID-19.
Ito ay matapos bawiin ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika ang report nito sa posibilidad ng airborne transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binalikan ng DOH ang pahayag ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng DOH technical advisory group na itinuturing nang airborne ang virus sa gitna ng medical procedures sa mga ospital.
Binigyang diin ng DOH na hanggat wala pang matibay na ebidensya sa mga pag-aaral ng transmission ng SARS CoV 2 dapat na patuloy ang mahigpit na pag-iingat ng publiko sa pamamagitan ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at iba pang minimum health standards.
Ang pagsusuot ng face mask ay nakapagpapababa ng 85% ng tsansang mahawahaan ng coronavirus at 80% naman ng isang metrong physical distancing.