Halos 50% na ang naitatalang kaso ng BA.5 Omicron subvariant kumpara sa ibang variant na nasa bansa.
Sa katunayan, ipinabatid ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na muli silang nakapagtala ng dagdag na 1, 200 new cases ng BA.5 Omicron subvariant, batay sa pinakahuling sequencing results mula September 24 hanggang 26.
Nasa 1, 199 ang local cases at isa ay mula sa isang Pinoy na galing sa ibang bansa.
Samantala, nasa 33 naman ang BA.4 Omicron subvariant na na-detect ng DOH at 31 rito ay mula sa Soccsksargen kung saan dalawa ay mula sa Northern Mindanao.
Sinabi pa ni Vergeire na nakapagtala rin ang DOH ng siyam na local cases ng delta variant at lima rito ay mula Soccsksargen, tatlo sa Caraga at isa naman sa Cordillera Administrative Region.
Naitala rin ang tatlong bagong kaso ng BA.2.75 Omicron subvariant at dalawang kaso ay BA.2.12.1.
Inihayag pa ni Vergeire na bahagi ng lifecycle ng nasabing virus ang pag-mutate.