Itinutulak ng Department Of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa bawat bahay nito.
Ayon sa DOH, ito ay para mapalakas ang COVID-19 vaccination sa hanay ng mga matatanda.
Sa tala, nasa 32% pa lamang ng senior citizen sa bansa ang fully vaccinated.
Dagdag pa nila sa dapat ay magkaroon ng tanggapan sa mga Barangay hall para sa mga hindi kabisado o pamilyar sa teknolohiya para matulungan sa kanilang pagrerehistro.—sa panulat ni Rex Espiritu