Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa rin maituturing na “variant of concern” ang OMICRON Ba.2.12 sub-variant na nakapasok sa bansa matapos tamaan ang 52-anyos na babaeng taga-Finland.
Sinabi ng DOH na posible umanong na-infect ito sa biyahe niya papunta sa Pilipinas, o ‘di kaya’y paglapag nito sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat 2.5 times na mas nakahahawa ang nasabing variant, hindi parin ito magdudulot ng malalang mga sintomas.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang monitoring at pag-sequence sa mga naging close contacts ng finnish national na nagposibito sa nasabing variant.