Muling nagpaalala ang Department Of Health o DOH sa publiko na sundin ang ipinatutupad na public health standards.
Ito’y kasunod ng na-detect na bagong COVID-19 variant sa bansa.
Sa pahayag ng DOH, iginiit na hindi nabago ang mode of transmission.
Dahil dito nananatili umanong epektibo ang minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kasabay nito, hinikayat din ng DOH ang mga local government na maging mahigpit sa pagpapatupad ng quarantine at isolation protocols.