Muling pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa heat stroke at iba pang sakit ngayong tag init.
Sa gitna na rin ito nang inaasahang pagtaas pa ng temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong summer season.
Pinayuhan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magsasagawa ng Visita Iglesia na dapat magdala ng tubig para manatiling hydrated.
Mas mabuting magdala rin aniya ng mga pagkaing hindi madaling mapanis at payong laban sa matinding init ng araw.
Dapat ding magdala ng first aid kits at gamot para sa pagbiyahe sa Semana Santa.
Sa mga magpapapako sa krus sinabi ni Duque na tiyaking nalinis ng maayos ang mga gagamiting pako para kakaiwas sa tetanus.