Naaalarma na ang Department of Health o DOH sa kinukulang na supply ng anti-rabies vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nagkulang ang supply ng anti-rabies vaccine matapos i-recall ang 50 porsyento ng supply nito sa buong mundo dahil sa kontaminasyon ng mga produkto ng isa sa mga malalaking manufacturer nito.
Ipinabatid ng World Health Organization o WHO na dalawandaan (200) hanggang 300 Pilipino ang nasasawi dahil sa rabies kada taon.
Magugunitang una nang ibinunyag ng DOH ang kakulangan sa supply ng nasabing bakuna simula pa lamang ng taong ito.
—-