Nangangamba ang Department of Health sa pagdagsa ng mga tao kabilang na ang mga bata sa mall at iba pang pasyalan sa gitna ng pag-iral ng Alert level 2 sa Metro Manila.
Aminado si Health Secretary Francisco Duque the third na naka-babahalang makita ang pag-u-umpukan ng mga tao dahil sa posibleng pagsipa muli ng kaso ng covid-19.
Kaya ipinaalala ng kalihim na huwag kalimutang sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.
Hinikayat naman ni Duque ang publiko na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino