Na alarma na ang Department of Health sa Central Visayas sa patuloy na pagdami ng kaso ng dengue sa rehiyon.
Batay sa datos, mahiit sa 245 percent na mas mataas ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Marso ng taong ito kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH Central Visayas, nakapagtala sila ng mahigit 6,000 kaso ng dengue mula lamang Enero hanggang Marso kung saan 37 rito ang nasawi.
Samantala, noong nakaraang taon, umabot lamang sa mahigit 1,700 kaso ang naitala sa parehong panahon kung saan 12 ang nasawi.
Matatandaan na noong 2016, nanguna ang Central Visayas sa mga rehiyong nagkaroon ng epidemya sa dengue kung saan sa mahigit 27 kaso ay mahigit sa 200 katao ang namatay.