Nababahala ang Department of Health (DOH) sa antibiotics resistance ng mga Pinoy dahil sa self-medication.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Ma. Rosario Vergeire, kailangang magkaisa ang gobyerno at publiko upang ma-kontrol ang hindi wastong pag-konsumo ng gamot.
Nangangailangan din anya ang bansa ng diskarte upang matugunan ang isyu na maaaring maging sanhi nang paghina ng bisa ng antibiotics laban sa ilang karamdaman.
Aminado si Vergeire na hindi malayong dumating sa punto na ang mga ordinary at ginagamit na mga gamot laban sa mga infection ay maaaring hindi na tumalab sa ibang sakit ng Pilipino, dahil sa maling paggamit ng mga nasabing antimicrobials. —sa panulat ni Jenn Patrolla