Ikinababahala ng Department of Health (DOH) ang dumaraming bilang ng mga kabataang Pinoy na naninigarilyo at nagsisimula sa bisyo sa murang edad.
Ayon sa DOH, 12 sa kada 100 na mga kabataang Pinoy na may edad 13 hanggang 15 ang naninigarilyo na.
Habang 16-M Pilino na may edad 15 pataas ang naninigarilyo.
Maliban dito, lumabas din sa pag-aaral ng DOH na mahigit 24-M Pilipino ang nakakalanghap ng hanging may halong usok ng sigarilyo.
Kaugnay nito, ibinabala ng ahensya ang mga sakit na maaaring makuha sa yosi hindi lamang ng mga naninigarilyo kundi maging ang mga nakakalanghap ng hanging may halong usok nito.
Sinabi ng DOH, bukod sa sakit sa baga, maaaring maapektuhan rin ng yosi ang puso, balat at katawan dahil sa nicotine at iba pang kemikal tulad ng carbon monoxide, butane at arsenic na taglay nito.