Muling nagpaalala sa publiko ang Dept. Of Health o DOH kaugnay ng mga sakit na kaakibat ng tag-ulan.
Ayon kay Health Sec. Janette Garin, sa mga ganitong panahon ay mas lalong dapat maging maingat ang lahat sa mga water-borne diseases tulad ng Leptospirosis, Diarrhea, Ubo at Sipon.
Giit ni garin, upang makaiwas sa mga naturang sakit, kailangan ng malakas na resistensiya at ibayong pag-iingat.
Aniya, ugaliin ang pagkakaroon ng tamang tulog, balanced diet, malinis na kapaligiran at maging responsable sa pagtatapon ng basura na pinagmumulan ng mga bakterya na nagdudulot ng mga sakit.
By: Jelbert Perdez