Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga kumakalat na post online kaugnay sa gamot sa heart disease.
Ayon sa kagawaran, ginagamit din umano sa nasabing post ang pangalan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire upang magpakalat ng maling impormasyon.
Nilinaw ng DOH na wala silang inilalabas na statement o scenario kaugnay sa nasabing usapin at pinayuhan nito ang mga mamamayan na sumangguni lamang sa mga lehitimo at beripikadong platforms ng DOH.
Pinaalalahanan naman ng kagawaran ang publiko na maaaring maiwasan ang non-communicable diseases at comorbidities gaya ng heart disease at hypertension sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy habits at lifestyle tulad ng proper diet at pag-eehersisyo.