Nagbabala muli ang Department of Health (DOH) Region 2 sa posibleng sa sakit na maaaring makuha sa baha.
Binigyang diin ni DOH Region 2 Director Dr. Valeriano Jesus Lopez na nakatutok sila sa mga residenteng nakakaranas nang pagbaha matapos umapaw ang Cagayan River.
Kabilang dito aniya ang leptospirosis at ang karaniwan na ring ubo at sipon gayundin ang diarrhea dahil sa kontaminadong tubig.
Ipinabatid ni Lopez na naka-preposition na ang mga gamot sa kanilang ahensya sakaling kailanganin ng mga bayan sa Cagayan samantalang nai-deliver na rin ang ilang gamot sa ilang rural health unit sa Region 2.
By Judith Larino