Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga iligal na coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing centers na gumagamit ng pangalan at logo ng kagawaran.
Kasunod ito ng pagkalat sa social media ng mga promotional materials ng ilang hindi lisensiyadong pasilidad na gumagit sa pangalan at logo ng DOH.
Sa ipinalabas na abiso ng DOH, kanilang sinabi na mayroon lamang 83 COVID-19 testing centers at laboratorya ang binigyan nila ng lisensiya para makapag-operate.
Ito lamang anila ang lisensiyado para magsagawa ng swab test para sa reverse transcription polymerase chain testing (RT-PCR).
Babala ng DOR, iligal at walang pahintulot mula sa kanila ang anumang laboratoryo na hindi kabilang sa ipinalabas nilang listahan ng mga lisensiyadong testing centers.
Dagdag ng kagawaran, wala rin silang ini-endorsong anumang COVID-19 testing facilities.