Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga karaniwang sakit tuwing tag-ulan.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, bagaman buong year round disease ang flu o trangkaso, mas madalas ito tuwing tag-ulan.
Dapat din anyang maging maingat sa iba pang sakit gaya ng leptospirosis, dengue at diarrhea lalo’t madalas ang pagbaha.
Pinayuhan din ni Suy ang publiko na ugaliin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit.
By Drew Nacino