Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa paglaganap ng flu o trangkaso sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, karaniwan nang tumataas ang kaso ng transkaso tuwing panahon ng tag-lamig.
Nagpaalala ang DOH na maaaring makamatay ang flu virus kapag nakaroon ng kumplikasyon at kapag nauwi ito sa pneumonia.
Payo ng DOH, upang makaiwas sa trangkaso ay panatilihing malakas ang resistensya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-inom ng sapat na dami ng tubig at pagkain ng masusustansyang pagkain.
Mahalaga rin ayon sa DOH ang palagiang paghugas ng kamay at pagsusuot ng mask sa matataong lugar o kung ikaw man ay may sakit.
—-