Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang severe at critical cases ng COVID-19 sa buwan ng Agosto.
Ito’y dahil sa humihinang immunity ng mga bakuna kontra COVID-19 na naiturok sa publiko.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay stable pa naman ang mga nasa severe at critical cases sa bansa.
Dagdag ni vergeire na patuloy na humihina ang immunity dahil na rin sa mabagal na pagtuturok ng booster shot.
Una nang sinabi ni Vergeire na ang pagpapanatili ng mabang bilang ng mga severe at critical cases ay mas mahalaga kumpara sa naoobserbahang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, nasa 14.56M indibidwal na ang nakatanggap ng unang booster shot habang humigit kumulang sa 557,000 ang nakatanggap ng second dose ng bakuna laban sa COVID-19.