Pinag-iingat ng Department of Health o DOH ang mga kandidato gayundin ang mga suporter nito na maglaan ng oras sa pamamahinga.
Ito’y upang makaiwas sa pagkakaroon ng heat stroke dahil sa matinding init ng panahon.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, dapat iwasan ng mga kandidato ang katanghaliang tapat sa pangangampaniya.
Kung maaari sana, huwag lumabas o lumakad sa mga oras ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon dahil dito aniya matindi ang ultraviolet radiation na nagmumula sa araw.
Makabubuti rin aniyang magbaon lagi ng tubig upang mapanatili ang hydration sa katawan.
By Jaymark Dagala