Nagbabala ang Department of Health o DOH sa mga posibleng sakit na makuha ngayong tag-init.
Ayon sa DOH, ilan sa mga usong sakit ngayon ay sa balat gaya ng bungang-araw na dulot ng masyadong pagpapawis, sunburn gayundin ang mga fungal infections tulad ng hadhad, buni at an-an na madaling kumalat sa balat na basa ng pawis.
Madali rin umanong kumalat ang bulutong kapag maalinsangan ang panahon.
Payo ng DOH, agad magpabakuna lalo’t ito naman ay libre at ligtas.
Bukod dito, ugaliin din na uminom ng maraming tubig, pagligo, gumamit ng moisturizer at maglagay ng sunblock sa mukha at katawan upang maiwasang magkasakit ngayong tag-init.
—-